Leni tatakbong Naga City mayor

Ibinunyag ni Albay Congressman Edcel Lagman na tatakbong mayor sa Naga City si dating Vice President Leni Robredo.

Ibinunyag ni Albay Congressman Edcel Lagman na tatakbong mayor sa Naga City si dating Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Lagman, nais ni Robredo na ipagpatuloy ang mga programa ng namataang asawa na si dating Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Ginawa ni Lagman ang pahayag matapos tanungin kaugnay sa online post na nagsasabi na si Robredo na lamang ang italagang kalihim ng Department of Education (DepEd) matapos magbitiw si Vice President Sara Duterte.

“Ang last namin na pag-uusap siya ay tatakbo mayor ng Naga City upang ipagpatuloy ang programa ng kanyang late husband (na si dating DILG Sec. Jessie Robredo),” pahayag ni Lagman.

Nangako rin aniya si Robredo na tutulong sa Liberal Party sa pangangampanya sa mga national candidate nito sa 2025 elections.

Hindi naman tinukoy ni Lagman kung tatanggihan ni Robredo kung iaalok sa kanya ang posisyon na dating hawak ni Duterte.

“Yan ang call ni Leni. Wala kaming kontrol dyan,” pahayag ni Lagman.

Si Lagman ang pangulo ng Liberal Party.