Leni sa Senado? Malabo!

Kinumpirma ni dating Vice President Leni Robredo na hindi siya tatakbo bilang senador sa 2025 midterm elections.

Kinumpirma ni dating Vice President Leni Robredo na hindi siya tatakbo bilang senador sa 2025 midterm elections.

Ayon sa dating bise presidente, ipinaalam na niya ang kanyang desisyon sa Liberal Party (LP).

Aniya, balak na kasi umano niyang tumakbo bilang alkalde sa Naga.

“Sinarado ko na kaya nagpaalam na ako sa LP. Kaya ako nagpaalam sa LP na hindi na ako tatakbo sa Senado. Sinabi ko na ang preference ko ay tatakbo akong alkalde ng Naga,” paliwanag ni Robredo.

“Alam ng lahat na ang pinaka-preferred option ko na maging mayor ng Naga. Pero ayaw ko gumawa ng official announcement na hindi ko pa nata-tie ‘yung loose ends,” dagdag pa nito.

Unang ibinalita ni LP president at Albay 1st District Rep. Edcel Lagman ang plano ni Robredo na tumakbo bilang Mayor ng Naga.