Legazpi City swak bilang UNESCO ‘learning city’

Kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang Legazpi City, Albay bilang bagong miyembro ng Global Network of Learning Cities (GNLC).

Kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang Legazpi City, Albay bilang bagong miyembro ng Global Network of Learning Cities (GNLC).

Ngayong Lunes, inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isa ang Legazpi City sa 64 na mga bagong miyembro ng GNLC.

“These cities have demonstrated exceptional commitment to fostering lifelong learning opportunities for all within their local communities,” saad ng DFA.

Ang Legazpi ang ikalawang lungsod sa Pilipinas na naging miyembro ng GNLC, kasunod ng Balanga City sa Bataan, na nakapasok sa naturang listahan noong 2015.

Batay sa website ng UNESCO, ang mga lugar na kasapi ng GNLC ay epektibong naisasaayos ang educational system ng kanilang lugar upang maging inclusive ito. Bukod dito, ang mga lungsod ay swak bilang GNLC kung nagagamit nito ang modernong teknolohiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral.