Legarda, pikon na sa sagutang ‘robot’ ni Alice Guo

Nabanas na si Senator Loren Legarda sa paulit-ulit at tila 'robot' na sagot ni Bamban Mayor Alice Guo sa mga tanong ukol sa kanyang pagkatao.

Nabanas na si Senator Loren Legarda sa paulit-ulit at tila ‘robot’ na sagot ni Bamban Mayor Alice Guo sa mga tanong ukol sa kanyang pagkatao.

Hindi na kasi natapos si Guo sa pagsabing wala siyang maalala sa tunay niyang pagkatao maliban na siya ay Filipino at tumira kasama ang empleyado ng pamilya sa kanilang bukirin sa Bamban.

“Ako po ay lumaki sa Barangay Virgen Delos Remedios, Bamban, Tarlac. Ako po ay isang Filipino, lumaki po ako kasama po ang mga empleyado namin sa farm. Thirty-eight years ago, wala po ako talagang maalala nang sobra.” sabi ni Guo.

Agad naman itong pinutol ni Legarda at naiinis na sinabing: “You don’t have to say the same thing. Ano ba, huwag tayong robot!”

Nang tanungin kung marunong mag-Kapampangan ang mayora, tumanggi ito dahil hindi ito masyadong maalam sa wika ng mga taga-Bamban at tanging Tagalog ang naaral ngunit ng pinag-Chinese si Guo ay nag-Fookien pa nga ito.