Legacy Housing Project ni PBBM, tuloy arangkada sa Bikol!

Nag-abot ng pasasalamat si Ako Bikol Partylist Rep. Zaldy Co kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado ng umaga sa harap ng mga Bikolano para sa tuloy tuloy na pag-usad ng Legasiya Housing Project sa rehiyon.

Bahagi ng Pambansang Pabahay para sa Pamilyang Pilipino (4PH) ng pamahalaang Marcos ang itinatayong housing project sa Legazpi na nagsimulang umarangkada noong nakaraang taon.

“Sa pabahay naman, ang inyong Legasiya Housing Project ay tunay na nagpapakita ng malasakit sa bawat pamilyang Pilipino,” saad ni Co.

Layunin ng nasabing programa na mabigyan ng disente at ligtas na tahanan ang mahigit kumulang na 400 pamilyang Bikolano sa lugar.

“Ang pagtatayo ng Pambansang Pabahay para sa Pamilyang Pilipino o 4PH sa Bicol at iba pang bahagi ng bansa ay naaayon sa inyong pangarap at pangakong mabigyan ng disente at ligtas na tahanan ang mga Pilipino. MULI, MARAMING SALAMAT PO, MR. PRESIDENT!” dagdag ni Co.

Target na maitayo sa Barangay Homapon, Legazpi city ang tatlong gusali na may apat na palapag na may bilang na 372 residential units at 31 commercial spaces. Aabot sa P1.26-M ang pinakamurang residential unit.