Legacy hospital ni PBBM, sisiguro sa kalusugan ng mga Bicolano – Rep. Co

Level 3 Hospital sa Bicol, daan sa pinabilis na serbisyong pangkalusugan!

Level 3 Hospital sa Bicol, daan sa pinabilis na serbisyong pangkalusugan!

Hindi na kailangang pumunta pa ng Maynila para sa world-class na medical treatment ang mga taga-Bicol region. Ito’y matapos ang groundbreaking ng bagong 10-storey Bicol Regional Hospital and Medical Center sa lungsod na ito noong Biyernes.

Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Kongresista Elizaldy Co na ang bagong ospital na ito ay bahagi ng “Legacy Hospitals Project” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang matugunan ang kakulangan ng mga modernong ospital sa probinsya.

Ayon kay Co, ang bagong 433-bed capacity na ospital ay magiging “Level 3” na may mga espesyal na pasilidad tulad ng heart center, lung center, cancer center, at iba pang kagamitan para sa mga pangangailangan ng mga residente.

“This is not just a building; it is a landmark for our region and our country. Ito ay magiging level 3 hospital na may heart center, lung center, cancer center, at iba pang pasilidad para sa special medical needs ng ating mga kababayan. With this project, Bicolanos don’t have to travel to Manila for specialized medical treatment.” dagdag ni Co.

Inaasahan na ang state-of-the-art na pasilidad at kagamitan tulad ng MRI, CT scan, at iba pang diagnostic laboratories ay magbibigay-daan sa mas tumpak na medical diagnosis at treatment dito mismo sa ating rehiyon.

Ang Legacy Hospital project ay isa lamang sa tatlong Legacy Projects ng ating Pangulo. Kasama dito ang Legacy Food Security upang tiyakin ang self-sufficiency sa pagkain at Housing project upang bigyan ng disente at ligtas na tahanan ang mga Pilipino.