League of Vice Governors, magpapatibay ng turismo sa Albay

Gaganapin sa Legazpi, Albnay ang 96th national assembly ng League of Vice Governors of the Philippines.

Gaganapin sa Legazpi, Albay ang 96th national assembly ng League of Vice Governors of the Philippines.

Ayon kay Albay Vice Governor Glenda Bongao, ang pagtitipon ng mga deputy governor sa Albay ay makatutulong para umusbong ang turismo sa probinsya.

“Malaki ang magiging impact nito for the province since not just the vice governors, they will have their entourage to help promote the province,” wika ni Bongao.

“If they have a wonderful experience in the province, for sure in the future they can include Albay in their itineraries with their families, and their councils and even recommend it,” aniya pa.

Ayon kay Bongao, ilang participants na ang nag-request ng mga produktong gawa sa pili.

Inaasahan na 120 katao ang dumalo sa assembly ng mga Vice Governor.