Laway lang kasi talaga! Kasalanan ng China ang tensyon sa West Philippine Sea dahil walang halaga ang salita nito—PCG official

Kung sinsero lang ang China sa kanilang mga pahayag na tunay silang nakikiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan sa West Philippine Sea, hindi na sana aabot sa mataas na antas ng tension ang sitwasyon doon.

Muling kinastigo ng isang opisyal ng Philippine Coast Guard ang aniyang “diplomatic doublespeak” ng China pag dating sa usapin ng West Philippine Sea kung saan tila magkaiba ang kanilang sinasabi sa ginagawa.

Kung sinsero lang ang China sa kanilang mga pahayag na tunay silang nakikiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan sa West Philippine Sea, hindi na sana aabot sa mataas na antas ng tension ang sitwasyon doon, ayon kay PCG spokesperson Jay Tarriela.

“The Chinese government should avoid confusion and learn to recognize that if they were only sincere in their words and chose not to bully other countries in the South China Sea, tensions would not be as high. Unless of course, what China means on lowering tension is being submissive or not reacting to their bullying and aggressive actions!” hirit ni Tarriela sa kanyang X account.

“At the beginning of this year, President Marcos met with President Xi in Beijing. During their meeting, they agreed to resolve their differences through peaceful means and to promote freedom of navigation and overflight in the South China Sea. They also reached a consensus on peacefully resolving disputes based on the United Nations Convention on the Law of the Sea,” dagdag pa niya.

“However, in the same month, Filipino fishermen who were fishing in the Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) were harassed and driven away by the China Coast Guard, which violated international law,” sinabi pa ni Tarriela. “In February, the China Coast Guard directed a military-grade laser at a Philippine Coast Guard vessel inside the Philippine EEZ, also in violation of UNCLOS.”

Malinaw rin na manindigan ang Pilipinas laban sa panggigipit ng China pag dating sa usapin ng West Philippine Sea dahil ito ang tunay na may karapatan sa lugar bilang bahagi ng exclusive economic zone nito, paliwanag pa ni Tarriela.

“As a result, the Philippine government has chosen to expose China’s aggression and unlawful actions in the West Philippine Sea,” punto ni Tarriela.

“It is important to clarify that the escalating tensions in the West Philippine Sea are not caused by the United States, but by the People’s Republic of China. While the United States is an ally of the Philippines, it is not the root cause of the tensions,” aniya.