Latin honor madali na lang sungkutin ng mga bagong graduates?

Dahil graduating season na naman, usap usapan ngayon ng mga netizens sa social media ang tumataas na bilang ng mga estudyanteng magtatapos na may latin honor.

Dahil graduating season na naman, usap usapan ngayon ng mga netizens sa social media ang tumataas na bilang ng mga estudyanteng magtatapos na may latin honor.

Hayag ni Barnaby Lo, isang social media user sa X (dating Twitter), ang kalituhan kung bakit marami na raw ang nagtatapos ngayon na may latin honor na kung dati ay sobrang hirap daw abutin.

Aniya, “It’s graduation season. Pero bakit parang lahat ng mga bata may honor at awards? Sorry hindi naman sa hindi masaya para sa kanila, pero naalala ko lang ang hirap mag-honor dati at pag may honor ka parang nakakabilib talaga. Musta naman yun 2/3 ng class may honor? Tapos kulelat tayo sa PISA?”

Sagot naman ng isa pang X user: “Iba na po kasi ang grading system ngayon at policies regarding sa awards (with honors and such) sa mga students. Noon zero-based ang grading system, ngayon either 60 or 80-based. Atsaka, hangga’t aabot ng 90 ang GPA masasali sa with honors. While noon hanggang top 10 lang.”

Naging usapan na rin noon ang bilang ng mga nagtapos na may latin honors sa ilang Pamantasan tulad ng University of the Philippines, kung saan kada taon mas dumarami ang mga Summa Cum Laude graduates kumpara sa nakaraang taon.

Bagama’t dumarami na nga ang mga graduates na may latin honors, nasa 71 out of 81 na mga bansa ang Pilipinas sa katatapos lang na Programme for International Student Assessment (PISA) rankings, indikasyon na nananatiling mababa ang kalidad ng edukasyo sa bansa.