Lapid kapag napatunayang protektor ng Porac POGO hub: Magre-resign ako!

Inalmahan ni Senador Lito Lapid na siya ang nagmamay-ari ng 10 ektaryang lupain na kinatatayun ng 46 gusali ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Inalmahan ni Senador Lito Lapid na siya ang nagmamay-ari ng 10 ektaryang lupain na kinatatayun ng 46 gusali ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

May isang blogger umano kasi ang nagpapakalat ng balitang ito, kung saan idinadawit ang kanyang pangalan bilang isa sa mga sangkot.

Dahil dito, nilinaw ni Porac Mayor Jaime Capil na hindi sa senador ang naturang lupa. Ani Capil, ang tunay na nagmamay-ari nito ay ang magkakapatid na Cruz.

Dahil dito, hinamon ni Lapid ang nangdawit sa kanya na patunayang sa kanya nga ang lupain. Kapag ito ay napatotohanan, handa umano siyang magbitiw sa kanyang pwesto.

“Kaya po ako naghahamon dito, kung ako napatunayan nilang kasama diyan pwede ako mag-resign bilang senador,” saad ni Lapid.

“Hindi ko po hahayaang masisira pangalan ko dito,” dagdag pa nito.