Landbank: Pagbahagi ng fuel subsidy, naantala dahil sa election ban

Nakaabang ang Land Bank of the Philippines (Landbank) sa pahintulot ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpatuloy ang pamimigay ng fuel subsidy sa mga tsuper at operator ng pampublikong mga sasakyan na naantala sa umiiral na election ban.

Inaantay pa rin ng Land Bank of the Philippines (Landbank) ang pahintulot ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpatuloy ang pagbabahagi ng fuel subsidy sa mga tsuper, na saklaw ng umiiral na election ban.

“Landbank assures the fast and timely crediting of fuel subsidies and distribution of cash cards to intended transport beneficiaries nationwide once the prohibition to distribute in compliance to the election spending ban is lifted,” sinabi ng Landbank sa isang pahayag.

Kaugnay nito, sinabi rin ng bangko na nakikipag ugnayan na rin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pag-asikaso ng kahilingan nito sa Comelec na payagan ang pagbabahagi ng ayuda para sa mga tsuper.

Nagsimula ang pamimigay ng fuel subsidy sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan noong Setyembre 13, ngunit umalma ang ibang mga tsuper at operator dahil hindi pa nila natanggap ang ayuda.

Ipinagbabawal ng Comelec ang pamamahagi ng pondo ng gobyerno para sa mga social welfare projects tuwing mayroong election period, na nagsimula noong Agosto 28.

Idaraos ang eleksyon sa Oktubre 30.