Lampas P30M handog ng mga senador sa Paris Olympians

Buo ang suporta ng ilang mambabatas sa mga atletang Pinoy na sasabak sa 2024 Paris Olympics.

Buo ang suporta ng ilang mambabatas sa mga atletang Pinoy na sasabak sa 2024 Paris Olympics.

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachman, abot sa lampas P30M ang ibabahagi sa mga Pinoy na sasabak sa Summer Games.

P23M dito ay magmumula kay Senadora Risa Hontiveros. Kasama rin sa pinangalanan ni Bachmann na magbibigay ng financial support ay si Senador Bong Go.

“Twenty-three million is only from Senator Risa Hontiveros, then Senator Bong Go has a figure already. May additional siya. There’s also additional from other senators direct to the athletes already na pinasa lang sa PSC, and I just signed a check siguro mga P30 plus millions,” lahad ni Bachman.

Ayon sa PSC, abot sa P52M ang kanilang inilagak para sa pagsali ng mga atleta sa Paris Olympics.

Kasama sa kanilang gastos ay nagmula sa airfare at uniform na gagamitin sa Olympics.

“We’ve already spent P43 million, so I have P8 to P9 million left. Kung kulang man, I will look,” saad ni Bachmann.