Lampas 640-K bagets, bakunado kontra tigdas

Sumampa na sa 646,840 ang kabuuang bilang ng mga batang nabakunahan kontra tigdas sa buong bansa, ayon sa tala ng Department of Health (DOH).

Sumampa na sa 646,840 ang kabuuang bilang ng mga batang nabakunahan kontra tigdas sa buong bansa, ayon sa tala ng Department of Health (DOH).

Ang naturang bilang ay 47% ng mga bata sa Pilipinas na pasok na sa edad para bakunahan kontra tigdas.

“The eligible population is 6 months to 9 years old. We increased the number because the BARMM [Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao], for a long time already, there are children who have grown up unvaccinated,” wika ni Health Secretary Ted Herbosa.

Sa mga nabakunahang bata, tatlo lamang ang nakaramdam ng side effect gaya ng lagnat at pagsusuka.

Ngayong taon ay nasa 2,500 na ang naitalang kaso ng tigdas sa buong bansa, 1,600 dito ang mula sa BARMM kung saan marami pa ang hindi nabakunahan.

Target ng DOH na makontrol ang pagkalat ng tigdas sa BARMM sa loob ng apat hanggang anim na linggo.