Lalong inspirado! 80 pasyente tinulungan ni Rep. Zaldy Co

Masayang ibinahagi ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co na 80 pasyente ang kanilang natulungan sa kanilang regular na People's Day.

Masayang ibinahagi ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co na 80 pasyente ang kanilang natulungan sa kanilang regular na People’s Day.

Sa Facebook post ni Co, makikita ang mga pasyente na nakangiti matapos makatanggap ng guarantee letters mula sa Ako Bicol.

Ang mga guarantee letters ay magagamit para sa medical expenses ng mga indigent patient.

“Inspired lalo tayong tumulong whenever we see the smiles on the faces of our beneficiaries!” wika ni Co.

Tuwing Lunes ay nagkakaroon ng People’s Day ang Ako Bicol sa North Gate ng Batasang Pambansa.

Ito’y regular na ginagawa para makatanggap ang party-list ng mga request para sa medical assistance ng mga Pilipinong kinakapos sa pampagamot.