‘Lalo akong nabuo’: Ray Parks palagay loob sa mga anak ni Zeinab

Feeling accepted at lalo pa raw nabuo ang pagkatao ng baskebolistang si Ray Parks dahil sa kanyang relasyon sa content creator na si Zeinab Harake at sa mga anak nito na sina Bia at Lucas.

Feeling accepted at lalo pa raw nabuo ang pagkatao ng baskebolistang si Ray Parks dahil sa kanyang relasyon sa content creator na si Zeinab Harake at sa mga anak nito na sina Bia at Lucas.

Sa isang interbyu kay Toni Gonzaga, tinanong si Ray tungkol sa kanyang pakiramdam nang makilala niya ang mga anak ni Zeinab.

“Lalo akong nabuo. I feel na… accepted,” tugon ni Ray.

Ito raw ang matagal nang hinahanap ng naturang player.

“Kasi ’yun talaga ’yung longing ko, even before. Kasi nga po, madalas nagta-travel ako, so lone wolf ’yung dating ko. Ngayon na na-meet ko ’yung mga kids, manalo, matalo, maganda laro, pangit laro, ang tingin pa rin nila sayo is Superman,” anang basketbolista.