Lalaking umakyat sa poste sa Navotas, nasagip

Nailigtas ng ilang bumbero at fire volunteer ang isang lalaking umakyat sa isang poste sa Navotas City ngayong Martes ng madaling araw.

Nailigtas ng ilang bumbero at fire volunteer ang isang lalaking umakyat sa isang poste sa Navotas City ngayong Martes ng madaling araw.

Ayon sa ulat, dakong alas-2 ng madaling araw inakyat ng lalaki ang isang poste sa tapat ng city hall ng Navotas. Tulala raw ito at nagsisigaw habang nasa itaas ng poste.

Rumesponde naman ang ilang tauhan ng Holy Prince Fire and Rescue Volunteer Inc. at Bureau of Fire Protection.

Matapos ang higit tatlong oras ay ligtas na naibaba ang lalaki at dinala sa ospital.

Hindi pa naman alam ang pagkakakilanlan ng naturang lalaki.