Lalaking sangkot sa tutukan ng baril sa Makati, sumuko na sa pulisya

Sumuko na sa awtoridad ang isa sa mga sangkot sa isang bangayan sa Makati City kamakailan lamang, na nauwi sa pang-aagaw di umano at pagtutok ng armas.

Sumuko na sa awtoridad ang isa sa mga sangkot sa isang bangayan sa Makati City kamakailan lamang, na nauwi sa pang-aagaw di umano at pagtutok ng armas.

Kinumpirma ng Southern Police District (SPD) nitong Biyernes na sumuko na sa mga awtoridad ang rider ng motorsiklo na si Angelito Rencio na nakaalitan ng isang pulis.

Sa isang pahayag, sinabi ni Brig. Gen. Roderick Mariano na sumuko si Rencio sa Makati City Police Station dakong alas-7:45 ng gabi noong Huwebes, ika-31 ng Agosto.

Batay sa mga ulat, si Rencio ay isa sa dalawang lalaking sangkot sa isang insidente noong Agosto 25 na naganap sa kahabaan ng OsmeƱa Highway sa Barangay Pio Del Pilar, Makati City. Ang nasabing insident ay nakuhanan ng video at naging viral sa social media nitong mga nakaraang araw.

Ayon kay Mariano, nagsagawa na ng masusing imbestigasyon SPD at Makati City Police upang alamin ang mga pangyayari na humantong sa alitan.

Sinampahan na ng Makati City Police si Rencio nang paglabag sa Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), at Article 177 (Usurpation of Authority), at Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority) ng Revised Penal Code.

Si Rencio ay nasangkot sa isang away kay Staff Sgt. Marsan Dolipas. Sinabi diumano ni Rencio sa mga imbestigador ng Makati City Police na siya ay isang retiradong intelligence operative para sa Armed Forces of the Philippines. Kalaunan, itinanggi ng militar na naging tauhan o intelligence nila si Rencio.