Lalaking namalo ng aso, himas rehas!

Kulong ang inabot ng isang lalaki matapos siyang mahatulang guilty ng Malabon Metropolitan trial Court sa pagmamalupit sa alagang aso ng kanyang kapitbahay.

Kulong ang inabot ng isang lalaki matapos siyang mahatulang guilty ng Malabon Metropolitan trial Court sa pagmamalupit sa alagang aso ng kanyang kapitbahay.

Inulat ng grupong Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na pinarusahan ng anim na buwang pagkakakulong si Jojo De Vera Garillo sa paglabag sa Republic Act 8485 o ang Animal Welfare Act of the Philippines.

Ito ay matapos paluin ng kahoy ang asong si “Ungasis”, isang Aspin na alaga ng kanyang kapitbahay, noong Enero ng nakaraang taon.

Ayons a PAWS, pinalo ni Garillo ang aso nang makapasok ito sa kaniyang kusina at makasagi ng ilang kagamitan.

Bukod sa panghabambuhay na trauma at takot, nagtamo ang kawawang aso ng lacerations sa kanyang eyelid at nadislocate ang kanyang cervical vertebrae.