Lalaking nagpanggap na traffic enforcer para mangotong sa motorista, timbog!

Arestado ang isang lalaki matapos itong magpanggap na traffic enforcer at kinikilan pa ang isang motorista sa Maynila.

Arestado ang isang lalaki matapos itong magpanggap na traffic enforcer at kinikilan pa ang isang motorista sa Maynila.

Kinilala ang suspek bilang si Lloyd Tolentino, 27, isang delivery rider at residente ng Barangay Kaunlaran sa Navotas City.

Ayon sa Manila Police District, nagpanggap na tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau si Tolentino at sinita ang motoristang si Reagan Ramos sa kanto ng Pedro Bukaneg Street at Roxas Boulevard sa Maynila noong Linggo.

Sa salaysay ni Ramos, swerving ang dahilan ng pagsita sa kanya ni Tolentino. Ngunit nagtaka na lang siya ng singilin siya ng suspek ng P200 kapalit nang hindi pagbigay sa kanya ng ticket.

Dito na niya sinumbong si Tolentino at agad naman itong nadakip. Dito na rin nabuking na hindi talaga traffic enforcer ang suspek.

Nahaharap si Tolentino sa mga kasong robbery extortion at usurpation of authority.