Lalaking masama tumingin, binaril sa Bacoor!

Isang lalaki ang binaril nitong Miyerkules ng umaga sa Bacoor, Cavite dahil umano sa masama nitong tingin sa suspek.

Isang lalaki ang binaril nitong Miyerkules ng umaga sa Bacoor, Cavite dahil umano sa masama nitong tingin sa suspek.

Ayon kay Police Major Renalyn Lim, Deputy Chief ng Bacoor City Police Station, nakita ng suspek na masama ang tingin sa kaniya ng biktima habang ito ay nasa harap ng isang tindahan.

Naganap ang insidente sa harap ng isang tindahan sa lugar. Sabi ni Police Major Renalyn Lim, deputy chief ng Bacoor City Police Station, nakita ng suspek na masama ang tingin ng biktima kaya bumaba ito sa motor at pinaputukan ang biktima.

“Sa may harap ng tindahan, ‘yung victim ay nandoon, biglang dumaan doon si suspek. Nakita ni suspek na nakatingin nang masama sa kaniya si victim, bigla itong bumaba sa sinasakyan niyang motor at pinaputukan niya si victim,” pahayag ni Lim.

Tinamaan ang biktima sa kanang braso at hita. Ayon kay Lim, sinubukang muling barilin ng suspek ang biktima pero nag-jam ang baril nito.

“Humingi ng tulong itong si victim doon sa may-ari ng tindahan pagkabaril sa kaniya… After niyang mabaril itong si victim, pumunta siya doon sa pinaka-leader nila, doon sa kabalikat, doon siya nag-ano… parang sumuko na,” pagpapatuloy ni Lim.

Maayos na ang kondisyon ng biktima ngayon habang nasa kustodiya na ng Bacoor Police ang suspek.

Ayon sa suspek, binaril niya ang biktima dahil inagaw nito ang kanyang baril.

“Binaril ko ho siya kasi binunutan ho niya ako ng baril, inagaw ko, kaysa ako ‘yung mamatay, ipinutok ko sa kaniya. Pag-agaw ko pinutok ko na agad, kaysa ako ang mamatay kawawa naman ang anak ko. Eh sila wala naman siyang pamilya, wala siyang anak. Tambay lang lagi sila diyan sa amin,” kwento ng suspek.

Kasalukuyang na-inquest na ang suspek at sinampahan ng reklamong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at Frustrated Murder.