Lalaking bitbit ang pangsahod sa job site, binaril matapos holdapin sa Matnog, Sorsogon

Bitbit ng biktima ang P100,000.00 na pang-pasweldo sa mga kasamahan, at tinambangan ito ng mga suspek at tinangay ang naturang halaga ng pera, ayon sa pulis.

MATNOG, Sorsogon – Sugatan ang isang 26-anyos na lalaki matapos na pagbabarilin sa Barangay Purupandan, Matnog, Sorsogon pasado alas-2:30 ng hapon nitong Sabado, Disyembre 2.

Kinilala ang biktimang si Jayson Andes Benbing ng San Vicente, Castilla, Sorsogon at empleyado ng isang construction company sa Barangay Culasi sa parehong bayan.

Ayon kay PCapt. Jonathan Hapa, Deputy Chief of Police ng Matnog Municipal Police Station (MPS), bitbit ang P100,000.00 na pang-pasweldo sa mga kasamahan, habang tinatahak ng biktima ang naturang lugar ay tinambangan ito ng mga suspek at tinangay ang naturang halaga ng pera.

Samantala, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Matnog MPS sa pangyayari.

May tinututukan na rin umanong ‘Person of Interest’ ang kapulisan.

Sa ngayon, patuloy pang ginagamot sa ospital ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa mukha at tumagos sa kaliwang bahagi ng leeg nito