Lalaki tinurbo apat na menor, arestado!

Swak sa piitan ang isang lalaki sa Laguna matapos madiskubre ang panggagahasa nito sa apat na menor de edad.

Swak sa piitan ang isang lalaki sa Laguna matapos madiskubre ang panggagahasa nito sa apat na menor de edad.

Ayon sa ulat, isa sa mga biktima ng lalaki ang sarili nitong pamangkin, na sinimulan niyang galawin noong 10 taong gulang pa lamang ito.

“Hanggang mag-seventeen yung bata, hanggang magpunta na siya sa DSWD at doon nakapagsumbong. Tinatakot daw siya lagi nitong ating suspect na papatayin ang buong pamilya,” pahayag ng pulisya.

‘Di pa raw nakuntento ang suspek at tumakas sa Laguna. Pagdating umano nito sa Bicol, gumahasa pa ito ng tatlo pang menor.

Mismong partner ng suspek ang nagsumbong sa kanya sa pulisya, dahil ginalaw umano nito ang kanyang 11-anyos na anak.

Nasa kamay na ng pulisya ang suspek.