Lalaki tinurbo 15-anyos na kapitbahay, kulong!

Himas rehas ang isang lalaki matapos madiskubre ang panggagahasa nito sa kanyang 15-anyos na kapitbahay sa San Juan.

Himas rehas ang isang lalaki matapos madiskubre ang panggagahasa nito sa kanyang 15-anyos na kapitbahay sa San Juan.

Ayon sa ulat, Setyembre 2023 nang mangyari ang krimen.

Napag-alaman na mine-message ng lalaki ang biktima na humantong pa sa pagbibigay niya rito ng pera. Ang kanila umanong ugnayan ang ginamit ng lalaki upang maisagawa ang pangmamanyak sa biktima.

“Magkakilala, so nagkapalagayan ng loob. Naisagawa ang acts of lasciviousness noon September 9… Siguro nabaitan ang victim [kasi] binibigyan ng pera, siguro nagkapalagayan ng loob, naisagawa na ang krimen,” pahayag ni San Juan Chief of Police Police Colonel Allan Reglos.

Naaresto naman ang suspek sa kanyang pinagtatrabauhan sa Dasmariñas, Cavite. Nahaharap siya sa kasong rape in relation to Child Abuse.