Lalaki tiklo sa pagbebenta ng porno ng menor de edad online

Arestado ang isang lalaki dahil sa pagbebenta ng pornographic materials o malalaswang litrato ng mga bata sa online.

Arestado ang isang lalaki dahil sa pagbebenta ng pornographic materials o malalaswang litrato ng mga bata sa online.

Nakilala ang suspek na si Benjie Ortillano o mas kilala bilang “Bench Ortillano Lee” na nagbebenta ng pornographic materials sa Nueva Ecija.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act. No. 11930 o “Anti-Online Sexual Abuse of Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act” si Ortillano ng Department of Justice Regional Trial Court sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

Nabatid na nakatanggap ng intelligence report ang National Investigation Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) mula sa DOJ – Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) kaugnay sa gawain ni Ortillano.

Gamit ang Open Source Intelligence, nadiskubre ng NBI ang social media accounts ni Ortillano kabilang ang kanyang Twitter account na “@baste_xxx” at Facebook account na “Bench Ortillano Lee,” na nag-aalok ng discounts para sa VIP Telegram Channel.

Napag-alaman din ng NBI na sangkot si Ortillano sa pagkakaroon ng mga batang modelo na tumutulong sa pamamahagi ng illicit materials sa Telegram channel.

Nasa P499ang singil ni Ortillano sa mga materyales at maaring ipadala ang bayad sa kanyang Gcash account.

Nagpanggap na costumer ang NBI agents dahilan para maaresto si Ortillano na nakunan din ng video footage na sangkot sa excual acts sa mga menor de edad.

Naaresto si Ortillano sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 4 ng Manila City.

Nangako naman si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na mabubulok sa kulungan si Ortillano.

“This decisive action underscores our unwavering commitment to protecting children from online exploitation. This sends a clear message to perpetrators that justice will prevail, and the law will be enforced to its fullest extent,” pahayag ni Remulla.

“The collaboration between the DOJ and NBI is crucial in dismantling these criminal networks. We will continue to pursue and prosecute individuals who engage in such heinous activities,” dagdag ni Remulla.