Lalaki, sugatan nang barilin ng tiyuhin

Nag-away ang magtiyo sa hindi pa natutukoy na dahilan, at nauwi ang pagtatalo sa pamamaril.

SORSOGON- Sugatan ang isang 31-anyos na lalaki matapos barilin, alas-6:00 ng umaga nitong Lunes, Setyembre 25, 2023 sa Barangay Buenavista, Castilla.

Kinilala ang biktimang si Antonio Campillios habang kinilala naman ang suspek na si Rodolfo Campillios.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng bangayan ang magtiyuhin dahil bago ang pamamaril, diumano’y sinuntok ng biktima ang suspek na nauwi sa pamamaril.

Bigong narekober ng mga awtoridad ang ginamit na .22 revolver ng suspek na sinasabing sadyang itinapon ng matapos ang nagawang krimen.

Samantala, hindi na kinasuhan pa ng pamilya ang suspek, subalit dahil hindi lisensyado ang baril, posible pa rin itong makasuhan ng paglabag sa Secton 28 ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.