Lalaki sa Naga, sinampahan ng 11 counts ng rape sa menor de edad

Timbog ang isang 44-anyos na lalaki sa Naga City, Camarines Sur matapos sampahan ng 11 counts ng rape by sexual assault.

Timbog ang isang 44-anyos na lalaki sa Naga City, Camarines Sur matapos sampahan ng 11 counts ng rape by sexual assault.

Ito’y matapos umanong gahasain ng lalaki ang isang menor, na residente ng Barangay Calauag sa Naga City.

Hindi pinahintulutan ng korte na mag-piyansa ang lalaki para sa kanyang paglabag sa Republic Act 7610 or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Naga City Police Office ang lalaki.