Lalaki sa CamSur, sinaksak ng ex ng kanyang jowa

Nauwi sa pananaksak ang bangayan ng dalawang lalaki sa isang basketball court sa Brgy. Del Socoro sa Minalabac, Camarines Sur.

Nauwi sa pananaksak ang bangayan ng dalawang lalaki sa isang basketball court sa Brgy. Del Socoro sa Minalabac, Camarines Sur.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jhunrick Calinog, residente ng naturang barangay.

Habang ang biktima naman ay kinilalang si Mark Cesar Llamas, taga-Brgy. San Antonio.

Ayon sa imbestigasyon ng Minabalac Police Station, napag-alaman na ang suspek ay ex-boyfriend ng kasalukuyang relasyon ni Llamas.

Lumabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng sagutan ang dalawa hanggang sa naghamon ng suntukan ang biktima.

Dahil dehado sa pisikalan, kumuha ng patalim ang suspek at nasaksak sa binti ang biktima.

Nahuli naman agad ang suspek ngunit pinakawalan din matapos ang reglementary period.

Dahil magkamag-anak din pala ang biktima at suspek ay nagdesisyon ang kampo ng biktima na huwag nang magsampa ng kaso.