Lalaki nawalan ng P345K sa passbook; winithdaw pala ng kamag-anak!

Nag-viral kamakailan ang live video ng isang lalaking humahagulgol matapos manakawan umano ng P340,000 sa kanyang BDO passbook ngunit ayon sa bangko, kamag-anak ang kumuha!

Nag-viral kamakailan ang live video ng isang lalaking humahagulgol matapos manakawan umano ng P340,000 sa kanyang BDO passbook ngunit ayon sa bangko, kamag-anak ang kumuha!

Kaya naman nitong June 26 ay humingi ng paumanhin si Gleen Cañete, ang lalaki sa naturang video, sa kanyang Facebook page sa BDO Unibank at sa mga taong nakapanood ng kanyang nag-viral na live video.

“[N]a-realize ko na hindi tama na masyado akong nagpadala sa bugso ng damdamin at lumabas sa social media,”

“Noong malaman ko na mismo ang pamilya ko ang nag-withdraw ng pera, agad agad kong binura ang live video para na rin sa kapakanan ng pamilya ko at sa BDO Unibank,” dagdag niya.

Matatandaang umapela si Cañete sa BDO Unibank na ibalik ang kanyang pera na iniipon niya sana para sa pag-aaral ng anak sa kolehiyo.

Sagot naman ng bangko, valid ang naging transaksyon dahil kapamilya naman ni Cañete ang nag-withdraw ng pera na awtorisado sa passbook ng lalaki.

“[B]DO has been able to account for the withdrawals that caused stress to Mr. Cañete. All withdrawals done by the account holder online were verified to be valid,” sabi ng BDO sa kanilang statement.

BASAHIN: