Lalaki nanunggab ng BINI member; pinutakte ng fans!

Viral ngayon sa social media ang pagsunggab ng isang lalaki sa isang miyembro ng nation’s girl group BINI.

Viral ngayon sa social media ang pagsunggab ng isang lalaki sa isang miyembro ng nation’s girl group BINI.

Makikita sa video na pinost sa X (dating Twitter) ang agresibong paglapit ng lalaki sa papasok na si BINI Aiah kung saan tila nagulat ang huli sa ginawa ng lalaki.

Inulan ng masamang reaksyon mula sa fans ng BINI ang nasabing video habang ang iba naman ay pinapabura ang video upang hindi na mas lumala ang isyu.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng fans at netizens:

“Respeto naman TOL kung sino kaman! Bigyan mo ng space yung tao di yung bigla bigla mong susunggaban yung tao. Ang alak nilalagay sa tyan ‘di sa utak!!”

“Halatang na-uncomfy siya pisteng lalaki!”

“Let’s find that guy. For sure he’s drunk already but that’s not an excuse. Apology is very much needed.”

“Make public apology di nakakatuwa yun ginawa niya action, please do something to protect your artist @starmagicphils @BINI_ph.”

“Hello! Kindly take this video down so it won’t be spread much further for her safety as well. Sharing the video might only cause more harm than good. Thank you!”

“Please take this down. We don’t need the whole world to know what happened naman. Might as well report the incident and not spread it anymore. Thank you po.”

PANOORIN: