Lalaki nanloob ng bahay dahil sa hinahabol na multo

Arestado ang isang lalaki sa Cebu City matapos nitong biglaang pasukin ang tahanan ng kanilang kapitbahay ngayong Lunes.

Arestado ang isang lalaki sa Cebu City matapos nitong biglaang pasukin ang tahanan ng kanilang kapitbahay ngayong Lunes.

Kinilala ang suspek bilang si Luprencio Saba Rana, 38-anyos.

Dinakip si Rana matapos humingi ng tulong sa pulisya ang may-ari ng pinasok niyang bahay na si Lorraine Ligan.

Paliwanag naman ni Rana, pinasok niya ang bahay ni Ligan kahit na hatinggabi dahil pinasok daw ito ng apat na multo.

Ginising pa umano niya sina Ligan para ipagbigay-alam ang pagpasok ng mga espiritu.

Kwento pa ni Rana, “Sadam” ang pangalan ng isa sa mga multo.

Sa kabila ng kanyang palusot, kakasuhan pa rin ng trespassing si Rana.