Lalaki naningil ng P100 utang, tinaga!

Sugatan ang isang lalaki na matapos itong tagain sa balikat dahil sa paniningil ng utang na nagkakahalagang P100.

Sugatan ang isang lalaki na matapos itong tagain sa balikat dahil sa paniningil ng utang na nagkakahalagang P100.

Ayon sa awtoridad, nagpunta ang biktima sa bahay ng biktima sa may Barangay Zone 15, Talisay City, Negros Occidental para maningil ng utang.

Imbis na mabayaran ay nagalit ang suspek at ama nito dahil nabayaran na umano ang utang na ito, subalit ayon sa biktima ay wala pa siyang natatanggap na bayad.

Dahil dito ay nauwi sa away ang paniningil at humantong sa pananaga ng ama.

Sumuko naman agad ang suspek subalit agad ding pinakawalan dahil nakipag-areglo ang biktima.