Lalaki nakapasa sa board exam matapos 34 beses bumagsak

Naging inspirasyon para sa mga netizen ang kwento ng isang lalaki na nakapasa sa board exam matapos niyang bumagsak ng 34 na beses.

Naging inspirasyon para sa mga netizen ang kwento ng isang lalaki na nakapasa sa board exam matapos niyang bumagsak ng 34 na beses.

Sa Facebook, ibinahagi ni Jorge B. Alejo ang kanyang pinagdaanang pagsubok upang matupad ang kanyang pangarap.

Aniya, kahit na ilang siyang nabigong makapasa ay patuloy lang siya sa kanyang pag-exam.

Pagbibida pa ni Alejo, hindi man siya sumubok sa review center ay nakapasa pa rin siya.

“Salamat sa Panginoon na hindi Niya ako pinabayaan kahit nahihirapan ako sa board ko 34 na beses po ako ng board exam ngayon lang po ako nakapasa. Hindi po ako sumuko kahit anuman nangyari basta mag exam lang ako hindi man ako umattend sa review center naipasa ngayon nadinig ng Panginoon ang aking hiling,” caption nito kalakip ang larawan ng kanyang tarpaulin.

Samantala, umani naman ng pagbati ang comment section ni Alejo.

TIGNAN: