Lalaki na trip lang manaksak sa Antipolo, tiklo!

Arestado na ang isang lalaki matapos itong biglaang manaksak malapit sa isang paaralan sa Antipolo.

Arestado na ang isang lalaki matapos itong biglaang manaksak malapit sa isang paaralan sa Antipolo.

Nangyari ang krimen noon pang December 2023 kung saan dalawang katao ang nasaktan sa pananaksak ng suspek.

Ayon kay PCapt. Ricardo Asuncion ng Antipolo police, most wanted sa kanilang lungsod ang suspek na ‘trip’ lang umano manaksak ng walang dahilan.

“Itong tao na ito ay napag-alamang nananaksak ng mga estudyante sa may Mayamot… Ginagawa niya ito na trip lang niya,” ayon kay Asuncion.

Kapag umano may napagtripan ito na sasaksakin kahit makasalubong lang ay ginagawa nito, ayon pa sa pulis.

Nadakip ang suspek sa pakikipagtulungan sa barangay kung saan namataang naglalagi ang lalaki na wanted sa attempted homicide.

Depensa naman ng lalaki, inaasar umano siya ng kanyang mga nasaktan.

“Pauwi pa lang ako sa trabaho, naangasar sila sa akin, inaasar-asar nila ako. Inabangan ko rin sila. Uwian nila, doon ko sila binalikan,” ayon sa suspek.

Nagsisisi naman umano suspek at handang makulong dahil sa kanyang pananaksak.