Lalaki galit sa magaganda, nanuntok ng 3 bebot

Dinakip ng awtoridad ang isang lalaki dahil sa panununtok nito sa tatlong babae sa magkakahiwalay na lugar sa Cebu City.

Dinakip ng awtoridad ang isang lalaki dahil sa panununtok nito sa tatlong babae sa magkakahiwalay na lugar sa Cebu City.

Ayon sa ulat ng dzBB, bigla na lang umanong bumulagta ang mga babae nang makasalubong ang suspek.

Ang dahilan nito, dahil sa galit sa magaganda ang naturang may sala.

Unang nangyari ang pananapak sa Barangay Cogon Ramos bandang alas-6:30 ng hapon, kung saan nadali ang kaliwang mata ng unang biktima.

Pangalawang insidente ay naganap sa Osmena Blvd. Dito ay sinuntok niya sa ilong ang pangalawang babae. Habang ang pangatlong biktima ay napuruhan din sa kaliwang mata.

Dahil dito, desidido ang mga biktima na sampahan ng reklamo ang nadakip na suspek.