Lalaki, dedo nang tumalon mula sa kampanaryo

Hindi pa batid ang eksaktong dahilan ng pagbibigti, ngunit pinaniniwalaang nakararanas ng depresyon ang biktima.

CATANDUANES- Dead on Arrival ang tinatayang nasa 40-anyos na lalaki matapos tumalon sa kampanaryo ng isang simbahan sa bayan ng San Andres, alas-3:31 ng hapon nitong Lunes, October 2, 2023.

Ayon sa hepe ng pulisya na si Maj. Emsol Icawat, alas-11:19 ng tanghali, nakita pa sa CCTV ang lalaking nag-iikot sa labas ng simbahan. Makalipas ang isang oras, nakita na itong umakyat sa kampanaryo, alas-3:31 ng hapon nang mahulog ito sa kampanaryo.

Pinaniniwalaan namang depresyon ang nagtulak dito upang tapusin na lamang ang sariling buhay.

Nabatid na hiwalay na ito sa asawa at tanging anak na lamang ng kasama sa buhay.