Lakas tama! Kelot nagpa-autograph ng ‘Ding Dong’ kay Dingdong

Naaliw ang aktor na si Dingdong Dantes sa isang fan na nagpa-autograph sa kanya sa chichirya na 'Ding Dong'.

Naaliw ang aktor na si Dingdong Dantes sa isang fan na nagpa-autograph sa kanya sa chichirya na ‘Ding Dong’.

Viral na ngayon ang post ni Mark Gil Clado Valentin sa Facebook. Sa post ni Valentin, nasaktuhan niya sa isang lugar si Dingdong.

Tinanong pa muna ni Valentin kung pwede ba siyang magpa-autograph at magpa-picture sa aktor. Nang pumayag si Dingdong, dito na niya inilabas ang chichirya na kapangalan ng aktor.

“Literal na DingDong,” saad ni Valentin sa kanyang post.

Ibinahagi rin ni Dingdong ang post sa kanyang opisyal na Facebook page.

“Hinihingi ko — ayaw ibigay ni Kuya,” wika ng aktor.