Lakas tama! Horror train pinaandar kahit umaga

Kakaiba ang trip ng horror train operator sa isang perya nang buksan nito ang naturang ride kahit umaga.

Kakaiba ang trip ng horror train operator sa isang perya nang buksan nito ang naturang ride kahit umaga.

Agad na humakot ng mahigit 6,200 reactions and 178,000 views ang pinost na video ng Facebook page na Pilipinas Avenue ngayong Sabado.

Ito’y dahil sa aliw na hatid ng video, na kinunan ng isang mananakay ng horror train.

Ang horror train, na dapat binubuksan lamang tuwing gabi para makapag-hatid ng takot sa mga pasahero, ay inoperate kahit umaga.

Sa video, makikita na nakapang-bahay lamang na damit ang mga nananakot at nagsuot na lang ng maskara na pang-multo.

Gayunman, dahil umaga at tirik ang araw, walang natakot na pasahero sa horror train. Sa halip, nagtawanan pa nga ang mga pasahero.

“Horror train ba kamo? Hahaha nakakakilig hindi nakakatakot,” saad sa caption ng video.