Lakas ng loob mo, boy! P25.31 milyong halagang ng shabu, kumpiskado sa NAIA — Customs

Nagtangka ang isang Malaysian na magpuslit ng shabu sa Pilipinas, subalit naharang naman ito ng pinagsanib na pwersa ng BOC, PDEA, at NAIA security.

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang isang turistang may dala umanong methamphetamine hydrochloride, o mas kilala bilang shabu, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa ahensya nasakote mula sa isang Malaysian traveler ang 3.722 kilos ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng halos P25.31 milyon. Natagpuan ang droga sa luggage ng naturang Malaysian, na dumating sa NAIA mula Addis Ababa at lulan ng Ethiopian Airlines Flight ET 644.

Natimbog ang Malaysian dahil sa joint operation ng BOC-NAIA, sa pakikipagtulungan na rin ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.

“The passenger’s luggage underwent rigorous screening, including x-ray scanning, and a thorough physical examination, which led to the discovery of 3.722 kilograms of Methamphetamine concealed inside the luggage lining,” kwento ng BOC.

Pinapurihan naman ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang naturang operasyon, na aniya ay isang successful interdiction and suppression of drug smuggling.”

Mahaharap ang turista sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at sa Customs Modernization and Tariff Act.