Lakas ng dasal kay Lord! Jackpot sa Super Lotto 6/49, tinamaan ng 1 lucky bettor

May pangarap kong lotto nanaman ang natupad nitong Linggo, Oktubre 15, nang makuha ng isang mananaya ang kumbinasyong 47-35-02-13-38-17. Lampas P140 milyon ang iuuwi ng swerteng nanalo.

Nasungkit na ang P147.3 milyon na jackpot ng Super Lotto 6/49, at isang mananaya lamang ang mag-uuwi nito.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakuha ng isang mananaya ang maswerteng kombinasyon na 47-35-02-13-38-17 sa isinagawang bola ng PCSO noong na nagkakahalaga P147,354,716.40.

Bukod sa nanalo ng jackpot, makakatanggap naman ng tig-P50,000 ang 40 mananaya para sa second prize, samantalang tig-P1,200 naman sa 1,659 na mananaya na nagwagi ng tig- P1,200 para sa third prize.

Samantala, walang nakakuha ng jackpot para sa Ultra Lotto 6/58 na may mga winning numbers na 56-53-40-06-35-42 at jackpot prize na P49,500,000.

Kahit walang nakakuha sa jackpot prize, 167 na mananaya ang maguuwi ng tig-P2,000 para sa third prize, samantalang dalawa naman ang nagwagi ng second prize na tig-P120,000 bawat isa.

Ang susunod na draw para sa Super at Ultra Lotto ay sa Oktubre 17.