Lakas-CMD, patuloy sa pagpapalakas!

Ilang lokal na opisyal sumanib sa Lakas-CMD. Nanumpa kay House Speaker Martin Romualdez bilang mga bagong miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang ilang lokal na opisyal mula sa Bulacan ngayong Lunes.

Ilang lokal na opisyal sumanib sa Lakas-CMD.

Nanumpa kay House Speaker Martin Romualdez bilang mga bagong miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang ilang lokal na opisyal mula sa Bulacan ngayong Lunes.

Ang mga bagong miyembro ng Lakas-CMD ay si Santa Maria, Bulacan Mayor Bartolome Ramos at kanyang vice mayor na si Pablo Juan.

Sumanib na rin sa partido ang mga konsehal ng nasabing bayan na sina Neil Mateo, Esperanza Ramos, Mark Angelo Clemente, at Froilan Caguiat.

Naganap ang panunumpa sa Social Hall ng tanggapan ni Romualdez.

Sinaksihan din nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe at Bulacan 6th District Rep. Ador Pleyto ang seremonya.

Ang panunumpa ay tanda ng patuloy na paglakas ng pwersa ng partido bago ang susunod na eleksyon.

Kamakailan lamang ay nagsanib-pwersa ang Lakas-CMD at partido ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Partido Federal ng Pilipinas.