Lahat dapat may ambag sa kaunlaran: Magkaisa para mabigyan ng magandang trabaho ang mga Pilipino–PBBM

Partikular na hiniling ng pangulo ang pagbibigay sa mga Pilipino ng magagandang trabaho upang maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mamumuhunan, may-ari ng kumpanya, at lahat ng iba pang stakeholders sa larangang ng trabaho na magkaisa upang mabigyan ng magandang trabaho ang mamamayang Pilipino at mas lalong umunlad ang bansa.

“As we pursue a progressive and inclusive Bagong Pilipinas, I thus call on everyone—employers, workers, government, and stakeholders alike—to remain united in ensuring the full recovery of the labor market,” ani Marcos sa kaniyang talumpati para sa ‘DOLE@90 Stakeholders’ Night: Gabi ng Parangal at Pasasalamat,’ na binasa ng kanyang kinatawan na si Executive Secretary Lucas P. Bersamin.

Partikular na hiniling ng pangulo ang pagbibigay sa mga Pilipino ng magagandang trabaho upang maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.

“So, let us continue to work together to produce not only more jobs, but also quality and meaningful employment that will uplift the lives and dignity of every Filipino worker,” he said.

Binigyang-pugay rin ng pangulo ang Department of Labor and Employment sa patuloy nitong pangangalaga sa mga karapatan ng manggagawang Pilipino.

“This shows not only the enduring spirit of public service that prevails here at the DOLE, but also your steadfast commitment to ensuring full, decent, and productive employment for every Filipino worker,” aniya.