Lahat aalagaan: Magna Carta para sa marinerong Pinoy, inaprubahan na sa Senado

Lusot na sa Senado ang panukalang Magna Carta of Seafarers na mangangalaga sa mga karapatan ng mga Pilipinong seafarer, na prayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Aprubado na ng Senado sa ikatlo at huing pagbasa ang Senate Bill (SB) No. 2221 na naglalayong itatag ang Magna Carta of Seafarers, isang panukala na prayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.. Ipinasa ito nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 27, sa pamamagitan ng 14 na affirmative votes.

Layon ng naturang magna carta na tukuyin ang mga karapatan ng mga Pilipinong marinero at gumawa ng mga guidelines para sa kanilang training at overseas employment.

Titiyakin umano ng Magna Carta of Seafarers ang mga karapatan marinerong Pilipino na makatanggap ng disente, patas, at makataong conditions sa mga sea-going vessels at ang pakakaroon ng sapat na training, edukasyon, at employment.

Isa ang SBN 2221 na sinertipika ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang urgent, kung kaya’t mas napabilis ang pagpasa nito.