Lagot! Roque tinulungan Porac POGO kumuha ng lisensya

Ibinunyag ni Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) chairman at CEO Alejandro Tengco na si dating presidential spokesperson Harry Roque ang isa sa mga tumulong para makakuha muli ng lisensya ang sinalakay na POGO firm sa Porac, Pampanga.

Ibinunyag ni Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) chairman at CEO Alejandro Tengco na si dating presidential spokesperson Harry Roque ang isa sa mga tumulong para makakuha muli ng lisensya ang sinalakay na POGO firm sa Porac, Pampanga.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Tengco na sinamahan ni Roque si ang awtorisadong kinatawan ng Lucky South 99 na si Katherine Cassandra Li Ong noong Hulyo 2023 sa tanggapan ng PAGCOR para pag-usapan ang problema sa billing.

Hindi na opisyal ng gobyerno si Roque nang mangyari ang pagpupulong.

Ayon kay Tengco, humirit sina Roque at Ong na bigyan pa ng isang tsansa ang POGO firm na bayaran ang kanilang anim na buwang arrears na nagkakahalaga ng US$500,000. Sinabi pa nila Roque at Ong na binayaran na ang arreas sa isang Dennis Cunanan subalit hindi naman natanggap ng PAGCOR.

Humihirit din aniya ang dalawa ng reapplication dahil malapit nang mag-expire ang kanilang lisensya.

Sinabi naman ni PAGCOR Offshore Gaming Licensing Department head Jessa Fernandez na anim na beses siyang kinontak ni Roque para i-follow up ang reapplication ng lisensya ng Lucky South 99.

Agad namang nilinaw nina Tengco at Fernandez na hindi naman sila pini-pressure ni Roque na bigyan ng lisensya ang POGO firm.

“Liliwanagin ko din. Si Secretary Roque po’y nandun. Hindi naman po siya nag-pre-pressure. Siya lang din po ay nakikiusap na kung maaari lang ay matulungan ‘yung si Cassandra Ong,” pahayag ni Tengco.

“Hindi po siya naman namememwersa. Nakikiusap po siya at very light po naman ang mga conversation namin. Sabi nga niya, sinamahan ko ito at aggrieved party daw nga,” dagdag ni Tengco.