Lagot! Romualdez tatalupan palyadong RFID sa NLEX

Ipapatawag ni House Speaker Martin Romualdez ang ilang opisyal ng North Luzon Expressway (NLEX) kaugnay ng palyadong RFID sa mga toll gate na nagdulot ng matinding daloy ng trapiko noong Semana Santa.

Si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang nag-ulat ng planong imbestigasyon ni Romualdez.

“Ang daming nagalit at nagsumbong kay Speaker Romualdez na hindi binabasa yung RFID sticker nila pagdaan sa toll plaza na naging dahilan ng napakahabang traffic sa NLEX noong araw na iyon,” saad ni Tulfo.

Bukod sa mga opisyal ng NLEX ay ipapatawag din umano ang mga namumuno sa South Luzon Expressway (SLEX) at Toll Regulatory Board.

Ayon pa kay Tulfo, imbis na magbigay ng ginhawa sa mga motorista ay naging dagdag-pasakit pa ang palyadong mga RFID.

“This also undermines the riding public who pay a premium to avoid traffic in other major thoroughfares but are met with heavy traffic in NLEX, SLEX and Skyway anyway,” dagdag pa niya.