Lagot kayo sa Kuya ko! Reresbak kami sa Pilipinas pag may gumalaw dito—US State Dept.

Sasaklolohan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa anumang paglusob ng ibang bansa sang-ayon sa 1951 Mutual Defense Treaty (MDT), ayon sa US State Department, na ginawa ang pahayag matapos banggain ng mga bapor ng Chinese Coast Guard ang mga resupply boats ng Pilipinas patungong Ayungin Shoal.

Muling pinagtibay ng Estados Unidos ang kanilang pangakong ipagtanggol ang Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty (MDT) matapos banggain ang mga resupply boats ng Pilipinas ng mga barko ng China sa may Ayungin Shoal noong Linggo, Oktubre 22.

Sa isang pahayag, sinabi ng US State Department na handa itong suportahan ang Pilipinas laban sa delikado at iligal na paggalaw ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea.

“The United States stands with our Philippine allies in the face of the People’s Republic of China (PRC) Coast Guard and maritime militia’s dangerous and unlawful actions obstructing an October 22 Philippine resupply mission to Second Thomas Shoal in the South China Sea,” ayon sa US State Department.

“The United States reaffirms that Article IV of the 1951 U.S.-Philippines Mutual Defense Treaty extends to armed attacks on Philippine armed forces, public vessels, and aircraft – including those of its Coast Guard – anywhere in the South China Sea,” dagdag pa nito.

Kilala ang Ayungin sa international name na Second Thomas Shoal kung saan isinadsad ang BRP Sierra Madre, isang bapor ng bansa, mula noong 1999.

“By conducting dangerous maneuvers that caused collisions with Philippine resupply and Coast Guard ships, the PRC Coast Guard and maritime militia violated international law by intentionally interfering with the Philippine vessels’ exercise of high seas freedom of navigation,” ayon pa sa US State Department.