Lagot ka ngayon! Lalaki na nanutok ng baril sa kalsada, pulis pala

Kumpirmadong isang pulis talaga ang rider na nag-viral kamakailan dahil sa paglalabas nito ng baril matapos na may makaalitan na truck driver sa kalsada sa Rizal.

Kumpirmadong isang pulis talaga ang rider na nag-viral kamakailan dahil sa paglalabas nito ng baril matapos na may makaalitan na truck driver sa kalsada sa Rizal.

Matatandaang kamakailan ay nag-viral ang isang video kung saan makikitang walang plaka ang dalang motorsiklo ng pulis at naka-tsinelas lang ito.

Dahil dito, pinahinto umano ito ng truck driver nang dalawang beses ngunit hindi siya pinansin nito.

At sa ikatlong pagkakataong pagtawag ng truck driver ay tumigil na ang suspek, at doon na siya nakuhanan ng video na may hawak na baril.

Bukod pa riyan, nagpakilala pa umano ang lalaki bilang isang pulis, na siyang nakumpirmang nagsasabi ng totoo.

Base sa ulat, pulis mula sa Morong sa Rizal Municipal Police Station ang naturang motor rider. Dahil dito ay inalis na siya sa puwesto.

“Ang ginawa naman ng hepe ng Morong is restrictive custody at nandoon naka-confine lang sa police station. Pina-recall ko na rin ang kaniyang service firearm,” pahayag ni Rizal Province Provincial Office Police Director Colonel Felipe Maraggun.