Lagot! Duterte-China deal gustong paimbestigahan sa Kamara

Iminungkahi ni Zambales Rep. Jefferson Khonghun na magkaroon ng sariling imbestigasyon ang Kamara tungkol sa napabalitang gentleman's agreement sa pagitan ni ex-President Rodrigo Duterte at China.

Iminungkahi ni Zambales Rep. Jefferson Khonghun na magkaroon ng sariling imbestigasyon ang Kamara tungkol sa napabalitang gentleman’s agreement sa pagitan ni ex-President Rodrigo Duterte at China.

“The integrity of our nation’s sovereignty cannot be subjected to clandestine agreements that undermine the rights of the Filipino people,” sabi ni Khonghun, na ang distrito ay nakakasakop sa mga lugar na nasa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay matapos magpahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kaniyang pagtutol sa naturang kasunduan.

Matatandaan na sinabi ni Atty. Harry Roque na laman ng kasunduan ang paglimita sa ipinapadalang suplay sa mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng transparency at accountability sa mga isyung may kinalaman sa pambansang seguridad.

“It is imperative that we shed light on any agreements or arrangements that could potentially compromise our country’s sovereignty and territorial integrity,” giit ni Khonghun.

“The Filipino people deserve to know the truth and hold accountable those responsible for any actions that may jeopardize our national interests,” dagdag pa nito.

Umaasa ang mambabatas na matutugunan ng imbestigasyon na ito ang mga tanong ukol sa mga issue na bumabalot sa WPS.

“The Filipino people are rightfully concerned about the implications of any agreements made in secrecy, particularly when it comes to our territorial sovereignty,” dagdag pa ni Khonghun.