Lagot China? Kooperasyon sa South China Sea, tatalakayin ng PH, US, Japan trilateral summit

Isa sa mga pag-uusapan sa trilateral summit ng Pilipinas, United States, at Japan ay ang pagpapalakas ng kooperasyon sa South China Sea, ayon sa pahayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Isa sa mga pag-uusapan sa trilateral summit ng Pilipinas, United States, at Japan ay ang pagpapalakas ng kooperasyon sa South China Sea, ayon sa pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kasama ng Pangulo sa pagpupulong ay sina US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Aniya, sa pamamagitan ng kasunduang ito ay mapapanatili ang seguridad at kalayaan ng paglalayag sa South China Sea.

“This is essentially an agreement between the United States, Japan, and the Philippines on cooperation in terms of maintaining security and freedom of navigation in the South China Sea. That is the essence of it,” ani Pangulong Marcos.

“But of course, it will contain more details in the sense of how that intercooperation will be implemented. So that is what we’re going to discuss,” dagdag pa nito.