Laglagan na! PDP-Laban dumistansya sa banat ni Duterte kay PBBM

Tila nilaglag ng PDP-Laban ang kanilang party chairman na si former President Rodrigo Duterte kaugnay sa mga banat nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tila nilaglag ng PDP-Laban ang kanilang party chairman na si former President Rodrigo Duterte kaugnay sa mga banat nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dumalo sa isang press conference si PDP-Laban president, Palawan 2nd District Rep. Jose Alvarez, pati sina Cebu City Mayor Mike Rama at Senador Francis Tolentino.

Naitanong sa partido kung anong pananaw nila sa naging hirit ni Duterte kay Marcos na idinadawit ang pangalan nito sa iligal na droga.

Giit ni Alvarez, hindi dapat idikit ang partido sa mga personal na tirada ng kanilang chairman.

“Wala kang marinig na stand namin na ganun. Hindi party’s stand ‘yun, kundi a former president talking in public,” ayon kay Alvarez.

“So do not associate the party chairman (Duterte) talking in public in a prayer rally… let us not drag the party into it,” aniya pa.

Paliwanag pa ni Alvarez, hindi ‘combative mode’ ang PDP-Laban sa kasalukuyang administrasyon.

Matatandaan na ilang beses nang tinuligsa ni Duterte si PBBM sa mga prayer rally, kung saan tinawag pa ang kasalukuyang Pangulo na ‘adik’ at ‘bangag’.