Laglagan na? Duterte kay Quiboloy: ‘Wag mo akong idamay!

Dumistansya si dating pangulong Rodrigo Duterte sa mga kasong kinahaharap ng kaibigan niyang si Pastor Apollo Quiboloy.

Dumistansya si dating pangulong Rodrigo Duterte sa mga kasong kinahaharap ng kaibigan niyang si Pastor Apollo Quiboloy.

“Pastor, ikaw naman ang wanted, huwag mo akong [idamay] dito,” saad ni Duterte nang tanungin tungkol sa mga reklamo laban kay Quiboloy.

Sa kanyang press conference noong Huwebes, itinanggi rin ng dating pangulo na tinatago niya ang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

“Nasa bahay ko? Look, magkain lang ako pagkatapos [pero] mag uwi ako. Magsama tayo doon sa bahay ko…. Ibuhos ko na lang ang pera ko para maligaya kayo kung makita niyo si Quiboloy sa bahay ko,” wika pa ni Duterte.

Hindi rin umano niya tatanggapin si Quiboloy kung sa kanya ito susuko.

Kamakailan lamang ay itinalaga si Duterte bilang tagapamahala ng KOJC Properties.

Patuloy ang pulisya sa paghahanap kay Quiboloy na may warrant of arrest mula sa isang korte sa Davao at sa Pasig. Pinapatawag din siya ng Senado at Kamara dahil sa iba pang atraso.